EMBPHI_200912_14
Existing comment: Lumang Chancery ng Pasuguan ng Republika ng Pilipinas sa Estados Unidos [Tagalog -- the Austronesian language of the Tagalog. Its vocabulary has been much influenced by Spanish and English, and it is the basis of a standardized national language of the Philippines (Filipino).]

Ipinatayo ayon sa disenyo ni Arkitekto Appleton Prentis Clark, Jr. at naging tahanan ng pamilya ni Linda M. Hutchinson-Webb, 1913–1916, at nina Daniel at Stella Stapleton, 1917–1941. Binili ng Pamahalaang Commonwealth ng Pilipinas upang maging tanggapan ng Resident Commissioner sa tulong ni Joaquin Elizalde, 1941–1946. Nagsilbing Tanggapan ng mga Espesyal na Serbisyo at Kagawaran ng Impormasyon at Ugnayang Pampubliko ng Pamahalaang Commonwealth noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, 1943–1946. Nagsilbing chancery ng Pasuguan ng Republika ng Pilipinas sa Estados Unidos, 1946–1995. Isinaayos at naging annex ng chancery ng Pasuguan ng Pilipinas, 2016. Idineklarang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan, 16 Abril 2018.
Modify description